Close

Susunod na PNP chief, dapat kayang pulbusin lahat ng drug lords

Sponsor ads


Hanggang ngayon ay wala pa ring nahahanap si Pangulong Rodrigo Duterte na uupo bilang hepe ng pambansang pulisya.

Ayon kay Duterte, ang kwalipikasyon lamang na gusto niyang taglayin ng susunod na Philippine National Police chief ay ang kayang patayin ang lahat ng drug lord sa bansa.

Ito aniya ang natatanging gustong matiyak ng pangulo dahil hindi sapat ang rekomendasyon lamang.

Mababatid na inirekomenda kay Duterte sina officer-in-charge Lt. General Archie Francisco Gamboa, Lt. General Camilo Pangatius Cascolan at Maj. General Guillermo Eleazar.

Ayon sa pangulo, mahal niya ang lahat ng pulis ngunit hindi madali ang pumili sa mga opisyal.

Kung hindi rin aniya kayang igarantiya sa kanyang mapapatay ang lahat ng drug lords ay pipili na lamang siya ng iba.