Close

Suspek sa pagpatay kay Ygay, sumuko na

Sponsor ads


Sumuko na ang suspek sa pagpatay kay Thesa Maria Ygay, ang 14-anyos na dalagita na isinilid sa loob ng septic tank sa Danao City.

Boluntaryong sumuko ang nasa likod ng krimen na si Jessie Medequillo, security guard ng paaralan kung saan natagpuan ang labi ni Ygay.

Ayon kay Lt. Col Ismael Gauna, hepe ng Tuburan Police Station, mula sa Tuburan ay dadalhin ang suspek sa Danao City.

Matapos kasing matuklasan ang pagkamatay ng dalagita ay nagtago si Medequillo.

Personal na galit ang tinitignang motibo sa krimen.