Close

Suspek sa Ygay murder sa Cebu, patuloy na tinutugis

Sponsor ads


Patuloy na tinutugis ng mga awtoridad ang 34-anyos na security guard na suspek sa pagpatay sa 14-anyos na dalagita na natagpuan sa septic tank ng Cogon Cruz Integrated School sa Danao City, Cebu.

Sa isang pahayag ay tiniyak ni Cebu Vice Governor Agnes Magpale na tutulong ang lokal na pamahalaan sa pulisya upang maresolba ang kaso ng pagkamatay ng biktima na si Tesa Maria Ygay.

Sinabi din ni Magpale na sa pamamagitan ng Welfare of Children ay magbibigay ito ng P50,000 na ayudang pinansyal sa pamilya ni Ygay.

Samantala, napagalaman naman na tinutulungan ng suspek ang biktima at ang mga kapatid nito sa gastusin matapos silang iwanan ng kanilang ina.

Ngunit kamakailan ay kinalbo ng gwardya si Ygay, at sinunog ang mga gamit nito na dahilan upang tumira pansamantala sa Lapu-Lapu City ang dalagita.

Kalaunan ay bumalik din si Ygay sa Danao City haggang sa naiulat siyang nawawala noong Sabado.