Close

Surigao del Norte, niyanig ng magnitude 6.4 na lindol

Sponsor ads


Niyanig ng magnitude 6.4 na lindol ang Surigao del Norte Biyernes ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, naganap ang pagyanig alas 11:06 kagabi, 41 kilometers northeast ng bayan ng Burgos.

Tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 16 kilometers.

Naramdaman ang intensity V sa Burgos, Surigao del Norte; Surigao City; at Dinagat Island, Intensity IV naman ang naramdaman ng mga residente sa Butuan City; Abuyog, Leyte, Hinunangan, San Francisco, San Ricardo, Tacloban City, at Southern Leyte; habang Intensity II naman sa Camiguin Island.

Naiulat din ang instrumental intensity III sa Palo, Leyte; Borongan City; Cebu City; at Gingoog City; Intensity II sa Argao City, habang Intensity I naman sa Alabel, Sarangani; Cagayan de Oro City; Cebu City; San Francisco, Cebu; Ormoc City.

Inaasahang magdudulot ng aftershocks ang nasabing lindol pero di naman magbubunga ng danyos.// VELLA GONZAGA