Close

Suporta ng religious groups, hindi hihingiin ni Duterte para sa admin bets - Palasyo

Sponsor ads


Inihayag ng Malacañang na hindi liligawan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang suporta ng ilang religious groups para sa mga senatorial bets ng administrasyon sa darating na midterm election.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, kailanman ay hindi hiniling ni Duterte ang suporta ng kahit anong relihiyon.

Dagdag ni Panelo, ang ginagawa lamang ni Duterte ay ang pag-express nito sa kanyang sarili.

Matatandaan noong 2016 elections ay sinuportahan ng Iglesia Ni Cristo ang kandidatura ni Duterte sa pagka-pangulo.

Kasalukuyan, ang leader ng INC na si Eduardo Manalo ay ang nagsi-silbi bilang special envoy for overseas Filipino concerns ni Pangulong Duterte.