Close

Sunud-sunod na rollback, aprub sa DoE

Sponsor ads


Kuntento umano ang Department of Energy sa mga ipinatutupad na oil price rollback ng mga kumpanya ng langis sa bansa.

Matatandaang tumaas ng halos tatlong piso kamakailan ang presyo ng mga produktong petrolyo matapos ang pag-atake sa mga oil plants sa Saudi Arabia.

Sa kabila nito, makalipas ang dalawang linggo ay nagkaroon din ng dalawang sunod na tapas sa presyo ng langis

Matatandaang ayon sa abiso ng oil companies, naglalaro sa piso o higit pa ang ibinawas sa presyo ng diesel o gasolina.

Noong nakaraang linggo rin ay halos tres pesos din ang ibinaba rito.

Ayon pa kay DOE - Oil Industry Management Bureau Dir. Rino Abad, maaari pang masundan rollback sa mga susunod na linggo.

Ito ay bunsod sa biglang buhos ng produksyon sa Saudi Arabia, pati na rin ang pagtaas ng halaga ng piso kontra dolyar.

Sa huli, tiniyak ng opisyal na tuluy-tuloy pa rin ang monitoring nila sa mga oil companies sa pagpapatupad nito ng tamang presyo ng krudo.

Noong isang linggo ay nagpatawag na rin sila sa iilang mga kumpanya na hindi sumunod sa nararapat na rollback para sa mga konsumidores.
#