Close

Sugar import liberalization, death blow sa mga Pilipinong magsasaka

Sponsor ads


Magpapadala ng mga rekumendasyon sa economic managers ang ilang stake holders sa sugar industry kaugnay sa liberalisasyon ng sugar imports.

Ayon kay Agriculture Sec. Emmanuel Piñol, iginiit ng stakeholders ang kanilang katayuan laban sa deregulation ng sugar imports.

Hindi kasi ito makakabuti sa mga magsasaka ng tubo na 80% ay benepisyaryo ng Comprehensive Agrarian Reform Program.

Sinabi naman ni Confederation of Sugar Producers Spokesperson Raymond Montinola na 78,276 na sugar producers ay mga maliliit na magsasaka at benepisyaryo ng agrarian reform na may mga lupa na hindi lalampas sa 5 hektarya.

Dahil dito ay sinabi ni Montinola na magiging deathblow para sa mga Pilipinong magsasaka ang liberalisasyon ng imports dahil hindi na ko-kontrolin ang pagpasok ng mga asukal na galing sa mga mas mayaman na bansa.