Close

Stud sa Texas, nagpose kasama ang 14-foot gator para sa grad photos

Sponsor ads


Kakaibang graduation photo ang trip ng isang estudyante na naghahanda para sa kanyang graduation mula sa Texas university.

Ito'y matapos na isama o magpose ito sa 14-foot alligator na si Big Tex para sa kanyang graduation photos.

Ginawa ni Makenzie Alexis Noland, 21-anyos ang kanyang graduation photo shoot sa Gator County, isang alligator sanctuary kung saan suki na rin umano dito ang naturang estudyante.

Isa sa mga kuhang larawan ay ang paglagay ni Noland ng kanyang class ring sa snout ng 13-foot, 8-inch gator.

"He's one of my best friends here," saad ni Noland.

Dagdag ni Noland, umaasa umano siyang magagamit niya ang kanyang Wildlife & Fisheries Sciences degree ara makakuha ng trabaho sa zoo.