Close

Staff ni Sen. Pia Cayetano, positibo sa COVID-19

Sponsor ads


Kinumpirma ng Senate Secretary na nagpositibo sa COVID-19 ang isang staff ni Senadora Pia Cayetano.

Ayon sa Senado, walang travel history ang staff at nahawa ito sa isang family friend.

Pumasok umano ang pasyente sa trabaho noong March 11, huling araw ng sesyon, pero di nagtungo ng plenary hall.

Saka sya nakaramdam ng sintomas pagkatapos ng March 11.

Alinsunod sa protocol, ipinalam ito agad sa Senate Medical Team at naatasan nang simulan ang contact tracing, magpatupad ng quarantine measures, at tulungang magpa-test ang mga empleyado ng Mataas na kapulungan.

Tiniyak naman ng Senado na lahat naman ng measures ay ginagawa nila at ng opisina ni Senadora Cayetano para sa mga kailangan ng pasyente at nang di na kumalat pa ang virus.