Close

Staff ng isang SC associate justice, positibo sa COVID-19

Sponsor ads


Nagpositibo sa COVID-19 ang isang staff member ng isang Supreme Court associate justice.

Sa statement na inilabas ng opisina ni Associate Justice Amy Lazaro-Javier, nagka-lagnat ang staf mula March 12 hanggang 18.

Nagpa-COVID-19 test ang nasabing pasyente noong March 19 at lumabas na positibo ito sa virus noong March 24 batay sa City Health Office of Bacoor.

Huling nag-report sa trabaho ang staff noong March 12 at umuwi ng tanghali.

Na-sanitize naman umano ang kanilang opisina noong March 13, 2020.

Wala umanong recent travel history ang pasyente.

Sinabi pa sa statement na sa ngayon ay naka-self quarantine ang lahat ng staff ni Javier at pinananatili ang proper health at hygiene.