Close

Sri Lanka, paiigtingin ang kampanya kontra illegal na droga

Sponsor ads


Nagpalabas ng advertisements ang gobyerno sa Sri Lanka upang maghanap ng hangmen o executioner sa bansa.

Plano kasi ni President Maithripala Sirisena na paigtingin ang kampanya kontra ilegal na droga na inspired sa war on drugs ng Pilipinas.

Ayon kay Sirisena, nais niyang buhayin ang parusang kamatayan sa Sri Lanka laban sa mga drug traffickers sa susunod na dalawang buwan.

Sinabi ni prison service spokesman Thushara Upuldeniya, naghahanap na sila ng mga tao para sa 2 bakanteng pusisyon ng hangmen upang maging handa sila sakaling ipag-utos ng gobyerno na bitayin ang lahat ng drug traffickers.

Mababatid na nangyari ang huling pagbitay sa Sri Lanka noong 1976 matapos ma-commute ang lahat ng death penalties sa life imprisonment.

Noong 2014 naman ay agad nagbitiw sa pwesto ang huling hangman ng Sri Lanka dahil sa stress nang makita niya ang lugar ng pagbibigtihan ng mga kriminal sa kauna-unahang beses habang noong nakaraang taon ay hindi nagpakita ang bagong hire na hangman sa trabaho.