Close

Spot reports, bawal na ibigay sa media; NUJP, pumalag

Umapela ngayon ang National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) kay Philippine National Police (PNP) Director General Ronald Dela Rosa na agad bawiin ang utos nitong huwag disclose ang spot reports sa media.

Sa isang statement, iginiit ng NUJP na iligal ang utos na ito ni Dela Rosa kaya't hinihikayat din ng grupo ang police commanders na huwag itong sundin.

Ayon sa NUJP, hindi dapat ipinagkakait ang mga spot reports mula sa publiko hindi lang sa media para sa transparency at accountability.

Hindi umano katanggap-tanggap ang pagbabawal sa publiko mula sa spot reports dahil ang mga press release umano ay re-angled version na at hindi patas na source ng impormasyon.

Dagdag pa ng grupo, walang rason para gawing sikreto ng pulisya ang kanilang mga operasyon.

Dahil dito, nanawagan din ang NUJP sa kanilang mga kapwa mamamahayag na kundinahin ang hakbang na ito ng PNP at kung kinakailangan ay magsagawa ng ligal na aksyon.