Close

Sponge Cola, maglalabas ng bagong album

Sponsor ads


Inanunsyo ng bokalista ng bandang Sponge Cola na magkakaroon ito ng launching ng kanilang bagong album sa concert nito sa March 29.

Ayon sa singer na si Yael Yuzon, magiging available ang bagong album sa concert nila na "Sea of Lights" at hindi na ito makikita sa ibang lugar.

Sinabi din ni Yuzon na otomatikong mabibigyan ng CD ang mga fans na bibili ng ticket.

Mababatid na ang bandang responsable sa mga kantang "Jeepney", at "Tuliro" ay muling magtatanghal sa March 29 sa Power Mac Center Spotlight sa Circuit Makati.

Samantala, inaasahan naman na masusulit ng fans ang kanilang gagastusin para sa ticket dahil magsisilbing guest artist sa concert sina Gloc-9, at ang asawa ni Yuzon na si Karylle.