Close

Special permits, kakailanganin ng traditional jeepney operators - DOTR

Sponsor ads


Binigyang diin ng Department of Transportation na kailangan ng operators ng traditional jeepneys na kumuha ng special permits mula sa Land Transportation Office (LTO) bago mapayagan ang mga ito na muling makapasada sa susunod na linggo.

Ito ay matapos sabihin ng DOTr na kailangan pumasa ng traditional jeepneys sa emission test at road-worthiness test.

Ayon kay DOTr senior consultant Alberto Suansing, kailangan rin ng LTO na inspeksyunin ang pisikal na kundisyon ng jeepneys katulad na lamang ng itsura ng mga upuan nito o kung pakarag-karag na ang sasakyan.

Ipinunto ni Suansing na limitadong bilang ng traditional jeepneys lamang ang papayagan na pumasada sa susunod na linggo, ngunit sa mga ruta lamang na hindi na nadadaanan ng mga bus, tren at modernized jeepneys.

Kamakailan ay tinapat ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang mga traditional jeepney operators na walang kasiguraduhan na makakabalik ang lahat ng road-worth jeepneys sa kalsada.

(Photo via: Manila Standard)