Close

Speaker Cayetano: "Hindi kami rubberstamp"

Sponsor ads


Nanindigan si House Speaker Alan Peter Cayetano na hindi "rubberstamp" o sunud-sunuran sa gusto ng Malacañang ang 18th Congress.

Paglilinaw ni Cayetano, bagama't kaisa sila ng administrasyong Duterte sa pagbabago ay hindi maiiwasang magkaroon ng pagkakaiba sa mga pananaw at ideya.

Hiniling rin niya sa economic managers ang respeto tulad ng kanilang paggalang sa executive department.

Inihalimbawa ng Speaker ang ulat na 60 percent ng railway funds sa 2020 ay gugugulin lamang sa Metro Manila.

Nais umano ng Kamara ang pantay-pantay na implementasyon ng Build, Build, Build program sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Giit pa ni Cayetano, hindi naman perpekto ang National Expenditure Program lalo't hindi pa umuusbong ang mga problema nang isumite ito sa Kongreso kaya sadyang may mga mababagong detalye.
#