Close

South America bagong epicenter ng COVID-19

Sponsor ads


Idineklara ng World Health Organization ang South America bilang bagong episentro ng COVID-19 sa buong mundo.

Ang nasabing deklarasyon ay bunga ng pagkakatala ng pinakamaraming kaso ng coronavirus sa Brazil sa loob ng isang araw.

Matatandaang ang Africa ang dating epicenter ng virus bago sumipa ang maraming kaso ng infections sa South America.

Ayon kay WHO-Emergencies Expert Dr. Mike Ryan, kahit pa patuloy ang pagtaas ng COVID-19 cases sa Africa, mas mababa pa rin ito kumpara sa South America sa kasalukuyan.