Close

Source ng pondo ni Bong Go, kinwestyon ni De Lima

Sponsor ads


"Template of epal politics"

Ganito tinukoy ni Senator Leila de Lima ang paraan ng pangangampanya ni senatorial aspirant at dating special assistant to the president Christopher Bong Go.

Ito ay matapos magkalat ang mga tarpaulin at billboard ni Go sa iba't-ibang bahagi ng bansa kahit hindi pa nagsi-simula ang official campaign period.

Iginiit din ni de Lima na halatang-halata na may malakas na makinarya si Go na nanamantala sa batas at jurisprudence na kinukunsinti ang premature campaigning.

Dagdag ng senadora, meron nangya-yaring invasion of public space dahil sa nagkalat na ads ni Go sa tarpaulin, mamahaling billboards, advertisments sa radyo, telebisyon, print at social media.

Tahasan din anya ipinapakita ni Go na kulang ito sa delicadeza dahil kahit resign na ito sa pwesto ay makikita pa rin siya kasama ang punong ehekutibo sa mga public events.

Kinwestyon din ni de Lima, na isang dating election lawyer, ang umano'y paggamit ni Go sa ilang government funded projects para palakasin ang kanyang electoral bid.

Giit ng senadora, habang busy ang ibang kandidato sa pagbuo ng kanilang plataporma at isusulong na batas ay makikita naman si Go na namamahagi ng relief goods na may nakadikit na mukha nito at political color.

(Photo: Office of Senator Leila De Lima)