Close

Sotto: May mapagkukunan sakaling magkulang P234B vs COVID-19

Sponsor ads


Tiniyak ni Senate President Tito Sotto na may mapaghuhugutan pang pondo ang pamahalaan sakaling magkulang ang nasa P234 billion na gagamitin para sa pagkilos ng pamahalaan kontra Corona Virus disease pandemic.

Ayon kay Sotto sa kanilang pakikipag-usap sa DBM, ang mahigit dalawang-daan bilyon piso ay para lamang sa dalawang buwan na programa ng gobyerno na tulong sa mga labis na naapektuhan ng kasalukuyang krisis.

Inihayag ng mambabatas na batay sa Bayanihan to Heal As One Act, binigyan ng kapangyarihan si Pangulong Duterte na galawin ang sobrang pondo ng mga GOCCs at mga ahensiya ng gobyerno at gamitin ito sa paglaban kontra COVID-19 pandemic.

Pangunahing layunin ng pondo ayon kay Sotto ay mabigyan ng cash assistance ang nasa 18 million families na nasa informal sector.

Malinaw umano ang nakasaad sa batas na hindi pwedeng magamit ang naturang pondo sa ibang mga bagay at eksklusibo lamang ito sa mga proghrama kontra COVID-19.

Kung halimbawang magkulang, sinabi ni Sotto na mayroon nakahandang pondo ang DBM na gad magagamit kontra COVID-19 pandemic.