Close

Sorsogon isinailalim sa State of Calamity

Sponsor ads


Isinailalim na sa State of Calamity ang Magallanes, Sorsogon dahil sa pananalasa ng Bagyong Tisoy.

Ngunit idineklara na ito bago pa man maglandfall ang bagyo sa Gubat, Sorsogon kagabi.

Ayon kay Magallanes disaster mitigating officer-in-charge Nilda Conda, 23 barangay ang nanganganib na mabiktima ng pagghuho ng lupa kaya inilikas na ang nasa 1,153 pamilya.

Ang mga barangay na ito ay nauna nang tinukoy ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) bilang ‘vulnerable’ sa landslides.

Sa tulong ng deklarasyon ay magagamit na ang calamity funds sa lugar para matulungan ang mga apektadong residente at imprastraktura.