Close

Solons, hinihingi ang updated list ng mga PWDs

Sponsor ads


Hiniling ng mga mambabatas sa mga government agencies na magbigay ng latest at updated list ng mga persons with disabilities para matukoy ang tamang bilang ng mga PWDs sa bansa, sa gitna ng nagpapatuloy na public health crisis.

Ginawa ng mambabatas ang apela sa pagding ng House panel kaugnay sa PWDs, matapos na gamitin ng Department of Social Welfare and Development ang 2010 census, bilang basehan ng kanilang presentasyon.

Ayon kay Bohol 1st District Rep. Edgar Chatto, ang pag-gamit ng outdated list ng mga PWDs ay napakahirap lalo na pagdating sa pagpaplano para sa mga programa at paglalaan ng pondo para sa kanila.

Ang outdated list ng PWDs ay magdudulot rin ng fraud, lalo na sa kasalukuyang isyu na maling pamamahagi ng PWD identification cards.

Mababatid na batay sa 2010 census, nasa mahigit isang milyong indibidwal sa bansa ang PWDs kung saan ang Calabarzon ang may mataas na bilang ng PWDs sa 193,000 indibidwal, sinundan ng Metro Manila sa 167,000.

Pero sa gitna nito, nasa mahigit 1,000 PWDs na apektado ng pandemic ang natutulungan ng DSWD mula Enero hanggang Mayo.