Close

Solon sa MTRCB: Ireview ang Magellan film

Sponsor ads


Nanawagan si Agusan del Norte Representative Lawrence Fortun sa Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB na isailalim sa masusing review ang Spanish-made animated film na “Elcano and Magellan: The First Voyage Around the World.”

Ito’y para alamin kung dapat ipagbawal ang pagpapalabas nito sa Pilipinas o burahin ang ilang parte ng pelikula para hindi madungisan ang legacy ng bayaning si Lapu-Lapu.

Ayon kay Fortun, may mga nangangamba na gawing kontrabida si Lapu-Lapu sa pelikula kaya hindi aniya dapat payagan ng mga Pilipino na ipakalat ang ganitong kasinungalingan lalo na rito sa bansa.

Binigyang-diin pa nito na kinikilala si Lapu-Lapu bilang unang bayaning Pilipino na tumalo sa Portuguese na si Ferdinand Magellan at pumigil sa mga tauhan nito na sakupin ang Mactan Island.

Dahil dito, inirekomenda ng kongresista na isama ng MTRCB ang history experts sa pag-review sa pelikula para makapagbigay ng mas malalim na pananaw at matiyak na hindi mababastos ang mataas na pagkilala ng mga Pilipino kay Lapu-Lapu.

Nakatakdang ipalabas ang pelikula sa January 2020.