Close

Solon sa Brgy, SK bets, isama ang peace talks sa campaign

Sponsor ads


Binigyang-diin ni Bayan Muna Representative Carlos Isagani Zarate na dapat isama sa electoral agenda ngayong Barangay at Sangguniang Kabataan Elections ang usapang pangkapayapaan.

Ayon kay Zarate, kailangang gawing isyu ng mga kandidato sa kampanya ang peace process at suportahan ang mga hakbang tungo sa pagtugon sa ugat ng halos limang dekada nang rebelyon sa bansa.

Hindi aniya puro salita ang dapat pairalin ng mga barangay aspirants kundi aktibong pagsuporta sa peace negotiations.

Dahil dito, nanawagan ang kongresista sa mga botante na huwag piliin ang mga kandidatong tutol sa proseso at mga sumuporta o nagkaroon ng partisipasyon sa militarist operations at human rights abuses.

Paliwanag pa ni Zarate, ang halalan ay maituturing na isang oportunidad para talakayin ang peace talks at matukoy kung sinu-sino ang mga pabor sa tamang landas at mga tumututol rito.