Close

Solon na nasa narcolist, humiling ng House hearing - Arroyo

Sponsor ads


Kinumpirma ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na may isang kongresistang humiling na magkaroon ng pagdinig hinggil sa narcolist ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos mapabilang ang pangalan nito.

Ayon kay Arroyo, papayagan niya ang pagsasagawa ng House inquiry ngunit hindi 'in aid of legislation' kundi sa pamamagitan ng oversight function sa dangerous drugs.

Paliwanag niya, karapatan ng sinumang kongresista na magpatawag ng pagdinig subalit hindi sa paraan ng paghahain ng resolusyon para bumuo ng panukalang batas mula sa mga makakalap na impormasyon.

Kaugnay nito ay wala ring balak si Arroyo na kausapin ang mga isinangkot ng pangulo sa ilegal na droga dahil dadaan naman sila sa due process.

Mababatid na kabilang sa pinangalanan ng punong ehekutibo bilang mga narco-politicians ay sina Leyte Representative Vicente Veloso, Pangasinan Representative Jesus Celeste at Zambales Representative Jeffrey Khonghun.