Close

Solon kay PRRD: Makialam na sa deadlock ng Kongreso re: 2019 budget

Sponsor ads


Hinimok ni Sen. Sherwin Gatchalian si Pangulong Rodrigo Duterte na makialam na sa nangyayaring deadlock sa pagitan ng Senado at ng House of Representative para tuluyan nang mapirmahan ang proposed 2019 national budget.

Ayon sa senador, dahil sa nagpapatuloy na bangayan, hindi lang ang ekonomiya ng Pilipinas ang maaapektuhan nito kundi pati na ang education sector.

Paliwanag ng mambabatas, ito ay dahil aniya madidiskaril ang mga programang pang-edukasyon ng pamahalaan lalo na ang pagpapatayo ng mga school buildings.

Para aniya sa kapakanan ng mga mag-aaral, dapat na sundin na lamang ng Senado at Kamara ang kanilang napag-usapan sa bicameral conference committee at hindi babaguhin ang detalye nito.

Nilinaw pa ni Angara na ang pondo ngayong taon ay isa ring president’s budget kung kaya’t may malaking kapangyarihan si Pangulong Duterte na mag-intervene sa nangyayaring bangayan.