Close

Solon: justices na bomoto sa quo warranto, ipapa-impeach

Sponsor ads


Ibinunyag ni Akbayan party-list Representative Tom Villarin ang kanyang plano na paghahain ng impeachment complaints laban sa walong Supreme Court justices na bomoto pabor sa quo warranto petition laban kay ousted Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay Villarin, lumabag sa konstitusyon ang walong justices matapos pasanin nila ang sana'y sole authority ng Kongreso na magtanggal sa impeachable officials sa pamamagitan ng impeachment trial.

Kabilang sa mga SC justices na bomoto sa quo warranto petition ay sina Justices Teresita Leonardo-De Castro, Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Francis Jardeleza, Samuel Martires, Noel Tijam, Andres Reyes Jr. at Alexander Gesmundo.

Mababatid na hiniling si Sereno ang pagpapainhibit sa anim na mga justices na ito dahil sa pagiging bias ngunit hindi ito napagbigyan.

Samantala, umaasa naman si Villarin na ang planong impeachment complaints laban sa naturang mga justices ay susuportahan ang kanyang kapwa kongresista sa House of Representatives.