Close

Solon: Roque, ireprimand re: Wag 'pihikin' remark sa vaccine

Sponsor ads


Hinimok ni House Minority Leader Joseph Stephen Paduano ang Malacañang na i-reprimand si presidential spokesperson Harry Roque dahil sa kanyang "insensitive" at aroganteng pahayag kaugnay sa choice ng publiko para sa COVID-19 vaccine.

Sa isang pahayag, binatikos ni Paduano si Roque sa pahayag nitong hindi maaring mamili ang mga Pilipino ng brand ng bakuna na ituturok sa kanila bilang bahagi ng COVID vaccination program ng gobyerno.

Giit ni Paduano sa gitna ng pandemic, ang inaasahan umano ngayon mula sa gobyerno ay pagkahabag.

Dagdag pa ng mambabatas, sa panahong ito, ang pagiging arogante na pananalita ni Roque ay hindi makatutulong sa halip ay magpapalala lamang ng sakit sa damdamin ng mga kababayan.

Samantala, pinupuri naman ni Paduano ang effort ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases at ng vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. sa pagbili ng COVID-19 vaccines, pero hindi umano maaring magbingi-bingihan ang publiko sa mga baluktot na pahayag.