Close

Solon, nagbabala vs bill na magpapalakas sa mga political party

Sponsor ads


Nababahala si Bayan Muna Partylist Representative Carlos Isagani Zarate sa posibleng epekto ng panukalang batas na magpapalakas sa mga political

party sa bansa.

Sa simula kasi aniya ay maaaring masabing maiiwasan na ang paglipat-lipat ng partido, magkakaroon na ng transparency at mabibigyan ng pagkakataon

ang mga political party.

Subalit kung susuriin umano ang nilalaman ng panukala ay mas mabibigyan ng malaking pondo ang mga kilalang partido at lalong magiging marginalized

ang maliliit na grupo.

Giit pa ni Zarate, ang masama rito ay pera o buwis ng taumbayan ang gagamitin para pondohan ang mga partido sa halip na ilaan para sa mga kapaki-

pakinabang na proyekto.

Inirekomenda naman niya na magkaroon na lang ng basic at pantay-pantay na pondo para sa lahat ng political parties na accredited ng COMELEC nang

sa gayon ay makapaglatag ng maayos na plataporma ang maliliit na grupo.