Close

Solon, magsasampa ng kaso vs responsable sa narcolist

Sponsor ads


Pag-aaralan ni Pangasinan Representative Jesus Celeste ang pagsasampa ng kaso laban sa mga taong responsable sa pagdadawit sa kanya sa ilegal na droga matapos maisama ang kanyang pangalan sa narcolist.

Ayon kay Celeste, sasagutin niya ang kasong inihain laban sa kanya kapag nakita nilang may hindi magandang ginawa ang mga nasa likod ng listahan.

Cleared na rin aniya siya at binigyan ng clearance ng regional peace and order council tatlong taon na ang nakakalipas.

Welcome naman umano para kay Celeste ang kasong isinampa sa Office of the Ombudsman kaya sagot niya kay Pangulong Rodrigo Duterte, magkita na lang sila sa korte kahit na iisa sila ng partido.

Giit pa ng kongresista, lumalabas na pulitika ang motibo ng naturang listahan dahil isinapubliko ito sa kasagsagan ng campaign period.

Bukod kay Celeste, kabilang rin sa mga kongresistang isinama sa tinaguriang narco-politicians ay sina Leyte Representative Vicente Veloso at Zambales Representative Jeffrey Khonghun.