Close

Solon, OK patawan ng add'l tax ang sigarilyo at alak

Sponsor ads


Welcome kay Senior Citizen Party-list Representative Francisco Datol ang mga panukalang batas na magpapataw ng karagdagang buwis sa sigarilyo at alak na ngayo'y lusot na sa Mababang Kapulungan.

Kapwa inaprubahan ang House Bill 8618 na naglalayong taasan ang excise tax sa alcoholic beverages sa loob ng limang taon at ang House Bill 8677 para naman sa sigarilyo.

Sinabi ni Datol na malaki ang maitutulong ng mga ito para pondohan ang Universal Health Care Program na ayon sa Department of Health ay mangangailangan ng 257 billion pesos para sa unang taon ng implementasyon.

Pinuri rin niya ang suporta ng mga kasamahan sa Kamara para sa kapakanan at proteksyon ng mga matatanda sa pamamagitan ng naturang agenda.

Kaugnay nito ay tiniyak umano ng liderato ng Senado na gagawing prayoridad sa nalalabing mga araw ng sesyon ang senior citizens.