Close

Solenn sa planong magka-baby na: 'aso na lang muna'

Aminado ang actress-model na si Solenn Heusaff na wala namang magiging problema sakaling magdesisyon na sila ng Argentine husband niyang si Nico Bolzico na magkaanak.

Ito ay sa kabila ng kanyang busy schedule at kabi-kabilang proyekto.

Pahayag ni Solenn, nasa tamang edad naman na siya at kahit magkaanak pa sila ay patuloy pa rin ang kanyang career sa showbiz.

Gayunman, nilinaw ng aktres na sa ngayon ay wala pa silang plano ni Nico na magka-baby.

Giit ni Solenn, prayoridad niya ang work, at wala rin siya halos pahinga kaya naman mas mabuti na mag-alaga na lang muna siya ng isang aso.

Sila raw ng mister niya ay madalas abala sa endorsement shoots, kung saan karaniwan silang magkasama. |Jasmine Cruz