Close

Solenn, ibinahagi ang unang litrato kasama si Baby Thylane Katana

Sponsor ads


Ibinahagi ng TV host, actress, at model na si Solenn Heusaff ang unang litrato niya kasama si Baby Thylane Katana sa Instagram.

Makikita sa litrato ni Solenn, na unang beses na naging ina, ang kanyang pag-breastfeed sa sanggol.

Sa caption ng post ay mababasa ang: |Best 9 days of my life so far."

Matatandaan na isinilang ni Solenn ang anak nila ni Nico Bolzico noong araw ng Bagong Taon.

Isinilang ng aktres ang kanyang baby sa pamamagitan ng cesarean section noong January 1 sa St. Luke's Medical Center sa Bonifacio Global City.