Close

SolGen Calida, makakatapat ang 7 abogado sa oral arguments sa Anti-Terror Law

Sponsor ads


Makakatapat ni Solicitor General Jose Calida sina dating solicitor general Jose Anselmo Cadiz, Free Legal Assistance Group chairman Chel Diokno, Albay Representative Edcel Lagman at ang 4 na iba pang abogado sa gaganapin na oral arguments kaugnay sa anti-terror law.

Napili ng 37 grupo ng petisyuners ang 13 mga abogado kabilang na ang 7 main at 7 alternates, para makipagargumento sa mga isyu na itinakda ng Korte Suprema para sa oral arguments sa January 19.

Ang bawat isa sa 7 main lawyers ay makikipagargumento sa iba't-ibang mga isyu katulad na lamang kung dapat bang maghain ang korte ng temporary restraining order o kung nilalabag ng mga kapangyarihan ng Anti-Terrorism Council ang Konstitusyon.

Nasa 8 abogado lang ang hiniling ng SC, ngunit 7 lang ang napili ng petisyuners habang ni-request na payagan ang 6 na alternates na dumalo sa oral arguments para matulungan ang mga makikipag-argumento.

Si Calida naman na nagrerepresenta sa gobyerno, ay papayagan lamang na makapagsama ng 3 abogado sa unang oral arguments na gagawin ng SC sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Kailangan rin magpresenta ng lahat ng dadalo ng negatibong COVID-19 RT-PCR test result na kinuha sa loob ng 72 oras bago ang oral arguments.