Close

SolGen: Senado masasayang lang oras sa 'ill gotten wealth' probe

Sponsor ads


Magsasayang lamang umano ng oras ang Senado kung itutuloy nito ang kanilang imbestigasyon kaugnay ng umano'y tagong yaman ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang inihayag ni Solicitor General Jose Calida dahil nakatanggap umano sya ng liham mula sa Office of the Ombudsman na nagsasabing ibinasura ang kasong plunder ni Senador Antonio Trillanes laban kay pangulong Duterte.

Sa isang press briefing, sinabi ni Calida na di na kailangan pang imbestigahan ng Senado ang akusasyon ni senador Trillanes dahil basura naman ang mga ebidensya ng senador.

Ang ipinagtataka umano ngayo ng SolGen ay kung bakit inilihim ni Ombudsman Conchita Carpio Morales sa publiko ang desisyon ng Ombudsman na ipatigil ang imbestigasyon.

Gayunman, nang tanungin si Calida kung ground ito for impeachment, sinabi nitong wala nang oras para sa ganitong legal proceeding dahil magre-retire naman na si Morales sa July.