Close

SoKor envoy, walang takot; Sinabi kay Kim: 'Quit smoking'

Sponsor ads


Nagulantang ang dating spy chief ni North Korean leader Kim Jong Un nang himukin ng isang South Korean envoy ang North Korean leader na huminto na sa paninigarilyo.

Ayon sa ulat, tila walang takot na pinagsabihan ni Chung Eui-yong, director ng South Korean National Security Council si Kim na tigilan na ang paninigarilyo sa gitna ng kanilang pag-uusap sa isang dinner sa Pyongyang.

Sinabi umano ni Chung na "How about stopping smoking? It's bad for your health."

Abot-abot umano ang takot ni Kim Yong-chol, dating head ng national intelligence ng North Korea sa posibleng maging reaksyon ni Kim dahil kilala itong maikli lamang ang pasensya.

Pero sinabi umano ng asawa ni Kim na si Ri Sol Ju na namangha sya sa pagiging prangka ni Chung sa kanyang pagtatanong.

"I always ask him to quit smoking, but he won't listen to me," tugon ng asawa ng NoKor leader.

Sinabi sa ulat ng Korean Times na maaaring naging komportable si Chung na tanungin si Kim dahil sa Korea, pinahahalagahan ang seniority.

Si Mr Chung ay 71 anyos na habang si Kim naman ay 34.

Madalas na ipinakikita sa mga balita ang mga larawan ni Kim na may sinding sigarilyo kahit na nasa ospital, eskuwelahan, at kahit pa habang nagsasagawa ng nuclear test.