Close

Smuggled cigarettes, nasabat sa Maguindanao

Sponsor ads


NAHARANG ng mga otoridad sa bayan ng Datu Blah Sinsuat, Maguindanao ang nasa isang daang karton ng pinaniniwalaang smuggled cigarettes.

Sa panayam ng BRIGADA News FM kay Police Major Ronald de Leon, hepe ng Datu Blah Sinsuat Municipal Police Station, nakarating agad sa kaalaman ng LGU sa pamumuno ni Mayor Datu Marshall Sinsuat ang umanoy madalas na pagdaan sa lugar ng mga ipinupuslit na sigarilyo.

Dahil dito agad nagbaba ng direktiba si PRO-BARMM Regional Director, Brig. Gen. Manuel Abu sa iba pang mga government forces sa nasabing bayan upang bantayan ang coastal area na madalas daanan ng mga ito.

Sinasabing galing umano ng Jolo ang nasabing mga kontrabando sakay ng motorboat o bangka lulan ang limang crew na nakilalang sina Masillam Sabburani 45 anyos, Asah Hadjirul 39, Alkabid Jumdaing 26yo, Kabil Hadjirul 25, at si Sman Hadjirul 40 anyos.

Hinanapan ng mga tropa ng Philippine Navy na unang nakakita sa bangka na pinamumunuan ni Lt ARIEL S MOGOL ng mga kaukulang papeles ang lima katao ngunit wala itong naipresenta sanhi para ito ay dalhin sa Municipal Police Station ng bayan.

Pinuri naman ni Mayor Datu Marshall Sinsuat ang mga otoridad dahil sa pagiging aktibo ng mga ito lalo na sa mga dumadaan sa kanilang lugar. // Jome Dimapalao