Close

Sleepless nights at weight gain, worth it para kay baby! - Isabelle Daza

Sponsor ads


Worth it para sa first time mom na si Isabelle Daza ang sleepless nights at pagdagdag ng timbang ng kanyang katawan.

Ayon nga kay Daza, super grateful siya sa pagdating ng kanyang baby boy.

Gaya umano ng payo ng kanyang ina na si Gloria Diaz, ang sikreto sa tunay na kasiyahan at pagiging "grateful" sa anumang meron ka at hindi na paghahangad ng higit pa.

Sa ngayon ay nasa 194 lbs na umano ang aktres at hindi ito madali para sa kanya.

Ngunit, kailangan lang umano niyang manatiling positibo at magfocus na lang sa pagiging mommy.