Close

Sinopharm, di na magsasagawa ng clinical trials sa PH- DOST

Sponsor ads


Di na magsasagawa ng clinical trial sa Pilipinas ang Chinese pharmaceutical company na Sinopharm.

Ito ang inihayag ni Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato Dela Peña pero wala itong sinabi kung bakit nagbago ang isip ng Sinopharm hinggil sa pagsasagawa ng clinical trials sa bansa.

Pero ayon sa kalihim, nananatili pa ring interesado ang pharmaceutical company sa pagsu-suplay ng bakuna sa atin.

Sinabi ni Dela Peña na nasa Phase 3 na ang Sinopharm sa kanilang clinical trials sa dine-develop nilang bakuna laban sa COVID-19.

Dagdag pa ng secretary, may 17 biotech at pharmaceutical companies mula sa pitong bansa ang kausap ng Pilipinas para sa COVID-19 vaccine.

Sa 17 na ito, anim na ang pumirma ng kanilang Confidential Disclosure Agreement na kasama sa mga proseso bago makapagsagawa ng clinical trials sa bansa.

Ito ay mga kumpanya mula sa China, Russia, Australia, at Taiwan.