Close

Single-use plastic sa beach, tourism sites, ipagbawal - solon

Sponsor ads


Isinusulong ni Bohol Representative Alexie Tutor ang panukalang batas na na nagbabawal sa paggamit ng single-use plastic sa lahat ng tourism sites sa bansa kabilang na ang beach resorts.

Batay sa House Bill 4724, papatawan ng mahigpit na parusa gaya ng pagmumulta ang sinumang mahuhuling nagdadala o gumagamit ng single-use plastic sa mga beach, hiking trails, bundok at iba pang tourist destinations.

Sakop ng single-use ang mga bote ng tubig, kutsara, tinidor, at straw na madalas bitbitin sa mga pasyalan.

Paliwanag ni Tutor, sa ganitong paraan ay madidisplina ang publiko lalo’t kalimitang itinatapon ang mga straw sa buhangin ng beach resorts.

Nakapaloob rin sa panukala na dapat nakalagay ang signages ukol sa pagbabawal sa single-use plastic sa transport hubs gaya ng bus terminal at paliparan.