Close

Singil sa kuryente tataas ngayong buwan

Sponsor ads


Asahan ang taas singil sa kuryente ngayong buwan.

Paliwanag ng Meralco, dulot ito ng pagtaas ng halaga ng kuryente sa spot market.

Dagdag pa rito ang ilang beses na pagsasailalim sa Luzon Grid sa yellow alert dahil sa pagnipis ng reserba ng kuryente.

Asahan ngayong November bill ang dagdag na 47 centavos sa kada kilowatt hour na katumbas ang P94 sa mga kumokonsumo ng 200 kilowatt hour kada buwan.

Para naman sa kumokonsumo ng 300 kilowatt hour kada buwan, P141 ang madadagdag sa bill.

Nasa P188 naman sa bawat 400 kilowatt hour at P235 sa kada 500 kilowatt hour.