Close

Simmons, Lakers iimbestigahan ng NBA

Sponsor ads


Iniimbestigahan na ngayon ng National Basketball Association (NBA) sina Philadelphia 76ers Ben Simmons at Los Angeles Lakers General Manager Magic Johnson dahil sa umanoy posibleng paglabag sa rules ng liga.

Ito ay matapos ihayag ni Johnson na sinabihan umano siya ni Simmons na gusto siya nitong maging mentor sa off season kung papayagan ng NBA.

Ayon kay NBA spokesman Mike Bass titingnan nila kung may nangyaring pag-uusap sa pagitan ng dalawa na posibleng nag-violate sa NBA rules.

"The league is looking into whether any contact took place between Ben Simmons and the Los Angeles Lakers that violated NBA rules," ayon kay Bass.

Minaliit naman ni Sixers GM Elton Brand ang naturang balita dahil hindi umano sila interesado sa gustong mangyari ni Simmons na makipagkita sa NBA Hall of Famers.