Close

Simbahan, dapat aksyunan ang pagpatay sa mga pari - De Lima

Sponsor ads


Hinimok ni Senator Leila De Lima ang Simbahang Katolika na aksyunan ang sunod-sunod na krimen kung saan ay nabibiktima ang mga pari.

Sinabi ito ng Senadora bago simulan ang kanyang pagdinig sa kasong disobedience to summons sa Quezon City Metropolitan Trial Court Branch 34.

Nababahala ang Senadora dahil maski ang mga pari ay hindi na ligtas sa panahon ngayon.

Ayon kay De Lima, dapat ay kumilos na ang mga pamunuan ng Simbahan laban sa mga serye ng pagpatay.

Kinwestyon rin ng Senadora kung bakit tila kokonti lang ang mga arsobispo na nagsasalita tungkol sa nasabing isyu.