Close

Signal jamming, ipapatupad sa Ati-Atihan Festival

Sponsor ads


KALIBO, AKLAN - Iminumungkahi ngayon ng Site Task Group (STG) Ati ang pag shut down sa mga cell sites sa paligid ng Sto. Nino Ati-Atihan festival zone sa January 21 dito sa Kalibo para sa seguridad ng mga tao.

Ang nasabing request ay pending sa National Telecommunications Commission (NTC) para maipatupad ang ‘zero signal’ malapit sa Kalibo Pastrana Park, Kalibo Cathedral at mga kalye kung saan isinasagawa ang street dancing routes bilang parte ng security measures para sa Ati-Atihan.

Pangungunahan ang STG Ati ng Philippine National Police (PNP) na siyang hahawak sa seguridad, emergency preparedness at peace and order sa 2018 Kalibo Sto. Nino Ati-Atihan Festival.

Kapag natuloy ang signal jamming, lahat ng mobile data, internet at tawag ay magiging unavailable sa mga subscribers dahil sa temporary shutdown ng alas-8:00 ng umaga hanggang alas 10 ng umaga sa mismong kapyistahan ni Senor Sto. Nino de Kalibo. BNFM Kalibo