Close

Signal No. 4, itinaas na sa Cagayan, northern Isabela, 2 iba pa

Sponsor ads


Itinaas na na ang Tropical Cyclone Warning Signal (TCWS) No. 4 sa Cagayan at northern Isabela maging sa Apayao, at Abra sa gitna ng pagbilis ng galaw ng Bagyong Ompong patungong Northern Luzon.

Sa ilalim ng Signal No. 4, inaasahang makakaranas ng lakas na hangin na 171 hanggang 220 kph sa susunod na 12 oras.

Inaasahan namang gagalaw ito pa-northwest sa 30 kph, kumpaa sa bilis na 25 kph mula sa nakaraang forecast.

Sa huling track ng Pagasa, namataan ang sentro ng bagyo sa 340 kilometers east-northeast ng Casiguran, Aurora, sa lakas na hangin na 205 kph malapit sa gitna at pagbugsong umaabot sa 255 kph.

Sabado ng ala-1:00 ng madaling arawo alas-3:00 a.m. inaasahang maglalandfall ito sa Cagayan.

Pagdating naman ng Sabado ng hapon ay tatahakin na nito ang direksyong papunta ng West Philippine Sea at palabas ng Philippine Area of Responsibility sa gabi.