Close

Show date ng bagong Wonder Woman film, iniurong

Sponsor ads


Iniurong na rin ang showing date ng bagong Wonder Woman film na pinagbibidahan ni Gal Gadot.

Sa halip na sa June 2020, ay ginawang sa August 2020 na ang showing date ng pelikula dahil pa rin sa banta ng COVID-19 sa buong mundo.

Mismong si Gal ang nag-anunsyo ng pagpapalit ng release date ng pelikula sa pamamagitan ng post sa kaniyang Twitter account.

Bukod dito, sinabi rin ng aktres na umaasa siyang maging ligtas ang bawat isa habang patuloy na dumadaan sa krisis ang buong mundo. - GLENN PARUNGAO