Close

Shortlist para sa tatayong flag-bearer ng PH sa SEA Games, inilabas

Sponsor ads


Papangalanan na ang magsisilbing flag-bearer ng delegasyon ng Pilipinas para sa Southeast Asian Games 2019 sa buwan ng Setyembre.

Ayon kay Team Philippines' chef de mission Monsour del Rosario, pasok sa shortlist ang ilang gold medalist ng Pilipinas noong Asian Games.

Kasama rito sina Hidilyn Diaz na kilala sa larangan ng weightlifting, Yuka Saso na kilala sa golf, Margielyn Didal na kilala sa skateboarding at Carlos Yulo na isa namang kilalang gymnast.

Samantala, nilinaw naman ni Monsour na maaari pa ring mabago ang listahan.

Ito ay dahil magdedesisyon rin ang bubuuing task force ng Philippine Olympic Committee at Philippine Sports Commission kung sino ang dapat tumayong flag-bearer.