Close

Sharon Cuneta, kinilig sa video message ni PRRD

Sponsor ads


Muling pinatunayan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Megastar Sharon Cuneta na puwedeng maghiwalay ang isyu ng pulitika at personal na buhay.

Ito ay matapos magpasalamat si Sharon sa video message sa kanya ni Pangulong Duterte kung saan inihayag nito ang pasasalamat sa pagiging inspirasyon ng kanyang anak na si Davao city mayor Inday Sara Duterte.

Sa kanyang instagram post, nagpasalamat si Sharon kay Pangulong Duterte para sa mensaheng aniya ay ituturing niyang kayamanan habang-buhay.

Pinasalamatan in ni Sharon ang kanyang asawa na si Senator Kiko Pangilinan na presidente ng Liberal party na kalabang partido ni Pangulong Duterte dahil sa paggalang nito sa kanyang apolitical stand o pagdistansya sa usapin ng pulitika.

Matatandaan na una nang sinabi ni Pangulong Duterte na may utang na loob siya kay Pangilinan dahil noong panahon na hiniling sa kanya ni Inday Sara na ang makasama si Sharon Cuneta ang kanyang gustong birthday gift ay tinawagan niya ang senador na naging daan para matupad ang wish ng kanyang anak.