Close

Sharon, nag-aalala sa muling pagtatambal-pelikula nila ni Goma

Sponsor ads


Nakararamdam ng kaba si Sharon Cuneta sa gagawing reunion movie nila ni Richard Gomez.

Naging magkasintahan ang dalawa noon at para sa Megastar ay nanatili naman silang magkaibigan ng aktor.

Ayon sa Megastar, maayos naman ang kanilang hiwalayan at maayos na ulit sila ngayon ngunit ninenerbiyos siya sapagkat 15 taon na rin ang dumaan simula noong huling nagsama sila ni Goma sa iisang pelikula.

Dagdag pa ng Megastar, siguradong maraming mga bagay na ang nagbago sa kanilang personal na buhay ni Richard kaya kinakabahan siya sa muling pagtatambal.

Makakasama rin ng tambalang Sharon-Richard sa Three Words To Forever ng Star Cinema si Kathryn Bernardo.

Nakatakdang ipalabas ang nasabing pelikula bago magtapos ang taon. // Liam Eusataquio-OJT