Close

Sharon, gustong tumakbo si VP Leni sa pagkapangulo sa 2022

Sponsor ads


Inihayag ni Mega Star Sharon Cuneta na gusto niyang tumakbo sa pagka-pangulo si Vice President Leni Robredo sa 2022.

Ayon kay Sharon, nagbabakasakali siya na babalik ang pagkadisente sa lipunan pag nanalo si VP Leni.

Samantala, sa 45-minutong video ni Sharon ay nagkataon na pumasok si Frankie sa kwarto kung saan nag-live ang Mega Star

Naging emosyonal si Sharon sa kanyang Instagram video kung saan ay inihayag niya ang kanyang pagkadismaya sa mga bashers na pinagsasabong umano ang kanyang mga anak na sina Frankie at KC.

Doon ay humingi ng paumanhin si Sharon sa kanyang anak at sinabi na hindi nito deserve ang mga nangyayari ngayon.

Ipinunto naman ni Frankie na hindi siya apektado sa nangyayari at iba'-iba naman ang pamantayan ng mga tao sa kagandahan.

Mababatid na anak ni Sharon si KC mula sa kanyang dating asawa na si Gabby Concepcion habang si Frankie naman ay anak ng Mega Star sa ikalawa niyang asawa na si Senator Francis "Kiko" Pangilinan.