Close

Shabu supply sa Region 6, bumaba

Sponsor ads


ILOILO CITY — Bumaba ang supply ng shabu sa Western Visayas ng 70 porsyento ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ang pagkamatay ng dalawang drug lords na sina Richard Prevendido noong September 2017 at Melvin Odicta Sr. noong August 2016 ay malaking bagay ayon sa pamunuan ng PDEA Region 6.

Pero sinasabing ang mga tauhan nina Prevendido at Odicta ay may kanya-kanya ng grupo.

May bago na umano ngayong Prevendido at Odicta drug group kaya nahirapan na ang mga pulis at PDEA na matukoy ang mga ito.

Patunay nang pagbaba ng supply ng shabu ay ang pagtaas ng presyo nito kung saan, umaabot na ang gramo sa P11,000.

Ang PDEA-6 ang nananatili at nangungunang law enforcement agency sa kampanya laban sa illegal drugs sa Western Visayas. BNFM Kalibo

photo file only