Close

Sexual inexperience ng mas maraming young adult, isyu sa Japan

Sponsor ads


Isa sa mga usapin ngayon sa Japan ang virginity ng mga adult na nasa edad 20 hanggang 30 o mas delay kesa sa counterpart na mga bansa nito tulad ng America at United Kingdom.

Ayon sa pag-aaral ng mga health experts sa University of Tokyo, ang sexual inexperience ay patuloy na tumataas sa Japan kung saan ang mga babaeng nasa edad 18 hanggang 39 na hindi pa nakakaranas ng pakikipagtalik ay tumaas ng 24.6% noong 2015 mula sa dating 21.7% noong 1992.

Aminado naman ang health researcher na si Peter Ueda ng University of Tokyo na hindi pa nila napag-aaralan ang trend sa iba't ibang age group at socioeconomic backgrounds hinggil sa sexual inexperience.

Kapansin-pansin naman na mas mataas ang sexual inexperience sa panig ng mga kalalakihan sa parehong edad kung saan naitala ang mga virgin sa 25.8% noong 2015.